Miyerkules, Abril 20, 2016

Para kay Ina by: Ruella May Wenceslao Palo

Ilang beses na nga lang ba tayo nagkikita?
Gaano katagal? Isang oras, dalawa, tatlo, apat?
Pagod na pagod ka galing sa maghapon na trabaho,
Ayoko na mang istorbo.


Masama ang pakiramdam ko,
baka pwede dito ka nalang sa tabi ko?
Ipauubaya mo nanaman ako sa kapitbahay?
kailangan ko ay ikaw at ang iyong mga kamay.



Alam mo ba ang nangyayari kapag wala ka?
Hindi mo malalaman kase hindi mo naman nakikita.
Hindi mo nalalaman kase hindi nila sinasabi;
Sinasaktan nila ako, patatahanin bago ka pa makauwi.



Pwede ba kita makausap?
Nalulungkot kase ako; hindi alam anong gagawin,
walang ibang nag sasabi sa akin.
Ganito ba talaga ang "pagdadalaga"?
teka wag mo muna ibaba ang telepono,
may itatanong pa ako,
kase po may crush na ako..



Papunta pa lang ako , pabalik ka na;
pwede mo bang ikwento ang napagdaanan mo?
Baka ngayon pwede ka naman makausap,
baka sakali ikaw ay mag kwento.


Pero wala kang oras.



Napakaraming tanong na hinanapan ko ng sagot;
Pero hindi naging madali ang lahat,
may mga nagawang hindi dapat,
naging mali at di naging sapat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento